Binalaan ng Bureau of Customs Port of NAIA ang publiko ukol sa “parcel scam” o “love scam.”
Ito ay isang modus operandi kung saan tatawag o magpapadala ng text message o e-mail sa isang consignee ng cargoes at parcels upang humingi ng pera bilang “clearance fees” umano para ma-release ang shipments mula sa BOC-NAIA.
Ayon sa ahensya, ginagamit din sa naturang modus ang pangalan ng ilang opisyal ng BOC NAIA.
Narito ang sistema kung paano ginagawa ang modus:
“BOC NAIA has been getting an increasing number of inquiries through Facebook page messenger and assistance hotlines during these times of pandemic regarding packages being “held by Customs” which was supposedly sent to them by their “chatmates” or online friend,” pahayag ni District Collector Carmelita Talusan.
Aniya, hindi humihingi ang BOC-NAIA ng “clearance fees.”
Nilinaw din nito na hindi naniningil ng bayad ang ahensya para sa Customs Duties and Taxes sa pamamagitan ng telepono at hindi rin tumatanggap ng bayad sa money remittance centers o personal bank accounts.
Tumatanggap lamang ang BOC-NAIA ng bayad para sa Customs Duties and Taxes sa pamamagitan ng Authorized Agent Banks (AAB) o BOC cashiers at maglalabas ng Official Receipt para sa naturang bayad.
Para sa mga katanungan at upang maiwasang mabiktima ng anumang modus, inabisuhan ang publiko na tumawag sa BOC-NAIA assistance hotlines sa mga sumusunod na numero: