Resulta ng imbestigasyon ng DOT sa hotel kung saan nasawi si Dacera, isinasapinal na

Photo credit: @xtinedacera/Instagram

Isinasapinal na ng Department of Tourism (DOT) ang imbestigasyon sa hotel kung saan natagpuang walang buhay ang flight attendant na si Christine Dacera.

Nakitang walang buhay ang 23-anyos na flight attendant sa bathtub sa isang kwarto ng City Garden Grand Hotel sa Makati City noong January 1, 2021.

Sa isang press conference, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ilalabas ng kagawaran ang magiging desisyon ngayong linggo.

Tiniyak ng kalihim na magiging patas ang kanilang gagawing imbestigasyon sa insidente.

Matatandaang naglabas ang DOT ng show cause order laban sa nasabing establisyemento upang magpaliwanag hinggil sa insidente.

Read more...