Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (January 11), umabot na sa 489,736 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 22,114 o 4.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,052 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19 sa isang araw sa taong 2021.
84.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.6 porsyento ang asymptomatic; 0.58 porsyento ang moderate; 3.4 porsyento ang severe habang 6.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 11 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,416 o 1.92 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 10 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 458,206 o 93.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.