Online registration sa pagkuha ng TIN, dapat ipatupad ng BIR

Hinimok ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na i-relax ang alituntunin sa in-person registration para sa pagkuha ng taxpayer identification.

Ayon kay Salceda, ang mga bangko at broker ay pinapayagan na ang virtual appearance para sa pagbubukas ng account kaya dapat ay ikunsidera na rin ito ng BIR sa pagkuha ng registration ng mga taxpayers.

Dapat aniyang bigyan naman ng kaluwagan ang mga negosyante at taxpayer na magpaparehistro dahil malaki ang ambag ng mga ito sa ekonomiya ng bansa.

Sabi ng mambabatas, “It’s frankly redundant. Banks and brokers already allow virtual appearance in opening an account. Even notaries public allow it. If you can take an oath virtually, why should registering as a taxpayer, an act of transparency on your part, be any harder?”

Nagbabala naman si Salceda na kung hindi ito gagawin ng BIR ay Kongreso ang kikilos para dito.

Kasabay nito ay pinabubuwag din ng mambabatas ang P500 na registration fee na kasalukuyang ipinapataw ng BIR bago payagan ang taxpayers na makapagbayad ng kanilang mga buwis.

“It’s absurd to impose a fee to allow people to pay taxes. It’s the state who benefits from taxpayer compliance. Paying taxes is not a privilege that people will apply for. It’s a government rule we are happy to see people follow. So, we should not impose barriers to paying taxes,” saad ni Salceda.

Read more...