Tinukoy na ng Palasyo ng Malakanyang ang mga ikinokonsida bilang priority areas para sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na una ang mga lugar na may maraming kaso ng nakakahawang sakit.
Kabilang dito ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Davao region at Cebu City.
Pagdating naman sa mga sektor, prayoridad aniya sa mga bibigyan ng bakuna ang health workers, uniformed personnel at indigent citizens.
Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang Lunes ng hapon, January 11, umakyat na sa 489,736 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES