Pag-ulan sa Luzon asahan ngayong maghapon – PAGASA

Posibleng makaranas ng mahinang pag-ulan ang buong Luzon ngayong araw.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), malamig na panahon pa rin naman ang mararanasan ngayong mag-hapon.

Ang Visayas at Mindanao ay makararanas ng kalat-kalat ng maulap na papawirin, kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sabi ng PAGASA, ang northeast monsoon o hanging Amihan pa rin ang naka-a-apekto sa lagay ng panahon sa Luzon, habang ang tail-end ng frontal system ang sa at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) in Mindanao.

“Patuloy pa ring nakakaapekto ang northeast monsoon sa buong Luzon. Itong hangin na nagmumula sa mainland China, ‘yan ang nagdadala ng malamig na hangin at nagdadala rin ng mahihinang pag-ulan,” saad ni PAGASA weather specialist Meno Mendoza.

Magdadala ang hanging Amihan ng maulap na papawirin na may pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, Quezon Metro Manila at natitira pang bahagi ng Luzon.

“Samantala, ang tail-end ng frontal system ito ‘yung area kung saan nagsasanib ang malamig na hangin na dala ng amihan at ang mainit na hangin na nagmumula sa Dagat Pasipiko. Kaya kapag nagsalubong po ang dalawang hangin na iyan ay nagkakaroon po tayo ng thunderstorms,” dagdag pa Mendoza.

Ang mga sumusunod ang pagtaya sa temperature sa iba’t-ibang panig ng bansa:

Metro Manila: 22 to 29 degrees Celsius

Baguio City: 10 to 21 degrees Celsius

Laoag City:  17 to 28 degrees Celsius

Tuguegarao: 18 to 26 degrees Celsius

Legazpi City: 22 to 26 degrees Celsius

Puerto Princesa City: 25 to 28 degrees Celsius

Tagaytay: 19 to 27 degrees Celsius

Kalayaan Islands: 25 to 28 degrees Celsius

Iloilo City: 24 to 27 degrees Celsius

Cebu City: 23 to 28 degrees Celsius

Tacloban City: 23 to 28 degrees Celsius

Cagayan De Oro City: 24 to 30 degrees Celsius

Zamboanga City: 24 to 33 degrees Celsius

Davao City: 24 to 31 degrees Celsius

 

Read more...