Naitalang temperatura sa Baguio, umabot sa 10.4 degress Celsius

Naitala ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City ngayong panahon ng Northeast Monsoon o Amihan, Linggo ng umaga.

Ayon sa PAGASA, nakapagtala ng 10.4 degrees Celsius sa Baguio bandang 6:30 ng umaga.

Bunsod ito ng umiiral na Amihan sa bansa.

Noong nakaraang taon, nasa 9.4 degrees Celsius ang naitalang pinakamalamig na temperatura sa nakalipas na tatlong taon.

Read more...