Yellow rainfall warning, nakataas sa Northern Samar

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Nakataas ang heavy rainfall warning sa dalawang lalawigan sa bansa.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Tail-End of Frontal System.

Nakataas ang yellow rainfall warning sa Northern Samar.

Dahil dito, posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mabubundok na lugar.

Light hanggang moderate rains naman ang iiral sa Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao Island sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Kaprehong lagay ng panahon din ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Bohol at mga kalapit na bayan sa susunod na isang oras.

Uulanin din ang Cebu, western portion of Bohol, Biliran, Eastern Samar at Samar.

Inabisuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat at maging alerto sa lagay ng panahon.

Read more...