16 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Maynila

Karagdagang 16 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Linggo ng tanghali (January 10), sumampa na sa 25,233 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 249 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Malate na may 42 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 41 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Umabot naman sa 24,225 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 759 pa rin ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...