Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa 90 milyon

Pumalo na sa mahigit 90 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 90,084,527 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 22,699,938 cases.

Sumunod na rito ang India na may 10,451,346 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 8,075,998 naman ang kaso sa Brazil habang 3,379,103 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,017,409
– France – 2,767,312
– Turkey – 2,317,118
– Italy – 2,257,866
– Spain – 2,050,360
– Germany – 1,914,335
– Colombia – 1,771,363
– Argentina – 1,714,409
– Mexico – 1,524,036
– Poland – 1,376,389
– Iran – 1,280,438
– South Africa – 1,214,176
– Ukraine – 1,110,015
– Peru – 1,032,275

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,934,925 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 64,466,123 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...