BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 485,797 na; Halos 2,000 ang nadagdag

Umabot sa halos 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (January 9), umabot na sa 485,797 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 26,784 o 5.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,952 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.6 porsyento ang asymptomatic; 0.47 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 5.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 34 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,398 o 1.93 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 291 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 449,515 o 92.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...