BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 482,083

Mahigit 1,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (January 7), umabot na sa 482,083 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 23,675 o 4.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,353 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.4 porsyento ang asymptomatic; 0.48 porsyento ang moderate; 3.1 porsyento ang severe habang 5.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa siyam naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,356 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 360 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 449,052 o 93.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...