“The case is not yet closed.”
Ito ang naging pahayag ng Palasyo ng Malakanyang ukol sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Si Dacera ay natagpuang walang buhay sa bathtub sa isang hotel sa Makati City noong January 1, 2021.
Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa ito maituturing na “case closed” dahil mayroon pang hinihinging ebidensya ang piskal.
“As of now, it’s a continuing investigation. The NBI has gotten involved in it so hintayin po natin na ma-conclude ‘yung imbestigasyon,” pahayag ni Roque.
Ani Roque, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakamit ang pamilya Dacera ang hustisya.
“Ang pangako naman po ng Presidente ay makakamit po ang katarungan sa pamilya Dacera. Malalaman po natin ang katotohanan,” saad nito.
Dagdag pa ni Roque, “At sa administrasyon po ni Presidente dahil siya ay abogado, dati pang piskal, hindi niya hahayaan na ang mga kriminal ay hindi po mapaparusahan.”