LOOK: Clean-up activity sa Quiapo Church para sa Pista ng Itim na Nazareno

Photo credit: Manila PIO/Facebook

Nagsagawa ng clean-up activity ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) sa buong paligid ng Quiapo Church, araw ng Huwebes (January 7).

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na Pista ng Poong Itim na Nazareno sa Sabado, January 9.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng Manila Public Information Office na tulung-tulong ang mga tauhan ng DTCAM sa paglilinis sa Plaza Miranda.

Katuwang din ng DTCAM sa paglilinis ang Department of Public Services, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, Manila Traffic and Parking Bureau, Yayamanin Steriplus, BFP-Tanduay Fire Station at Manila District Fire and Rescue Volunteer, Inc. Metro Tanker.

Photo credit: Manila PIO/Facebook
Read more...