COVID-19 recoveries sa Eastern Visayas, pumalo na sa 10,800

May 88 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Huwebes ng umaga (January 7), umakyat na sa 11,719 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 777 o 6.63 porsyento ang aktibong kaso.

33 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 10,803 o 92.18 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 139 na ang mga residenteng nasawi o 1.19 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...