Sa House Resolution No. 1455 ni Quimbo, nais nito na matiyak na walang masasayang sa pondong nakalaan para sa COVID-19 vaccination program.
Ayon kay Quimbo, dapat paghandaan ang cold storage capacity ng bansa, manpower at training na kailangan ng mga taong mapapasama sa COVID-19 vaccination program.
Kritikal din para sa pamahalaan aniya ang patuloy na pag-monitor sa programa lalo pa at hindi pa tukoy ang long-term effectiveness ng bakuna.
Binigyan diin ng kongresista na mahalagang component para sa recovery ng bansa sa pandemya ang matagumpay na vaccination program.
Kaya dapat na lahat ng mga mahahalagang hakbang para mapalakas ang implementasyon ng programa ay gawin at tiyakin ang cost-effectiveness nito para mas maraming Pilipino ang maaabot.
Dapat aniyang mayroong malinaw na plano kung paano ma-maximize ang pondong ito ngayong napaulat na nagpapatuloy ang negosasyon ng pamahalaan sa pharmaceutical firms na gumagawa ng COVID-19 vaccines.
Mahalagang matiyak din na “efficiently distributed” sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang bakuna at well-capacitated din ang mga ahensya ng pamahalaan, local government units at private sector.