Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, nasa 877

Nagkaroon pa ng 88 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang January 6, 25,273 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 877 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 29 ang bagong gumaling kung kaya 22,965 na ang COVID-19 recoveries.

Walang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,431 pa rin ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...