Mga gumaling na pulis sa COVID-19, sumampa na sa 8,800

Aabot sa 15 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (January 6), 9,159 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 331 ang aktibo pang kaso.

20 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 8,800 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namanlng napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 28 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...