QC LGU, maglulunsad ng online registration para sa QCitizen ID

Maglulunsad ang Quezon City government ng online registration para sa QCitizen ID sa araw ng Huwebes, January 7.

Magagamit ang ID para magkaroon ng access sa iba’t ibang serbisyo tulad ng Q City Bus, health, at iba pang social services.

Ayon kay City Administator Mike Alimurung, ang QCitizen ID ay isang unified ID para sa lahat ng residente kung saan mapapalitan ang existing senior citizen, solo parent, at persons with disability (PWD).

“The QCitizen ID will enable us to provide better services to citizens and allocate resources more efficiently,” pahayag ni Alimurung.

“It will also be used to determine the priority list for the distribution of the coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine,” dagdag pa nito.

Para sa mga interesado, maaari aniyang gumawa ng account sa pamamagitan ng E-Services portal ng QC LGU bago mag-apply sa QCitizen ID.

Sa mga wala namanh internet access, magsasagawa ang QC LGU ng in-person, on-the-ground registration drive sa mga barangay sa mga susunod na linggo.

“A resident cannot use a single QC E-Services account to register for multiple QCitizen IDs. A family member cannot use their own account to register parents or other relatives. They all have to register separately,” paalala nito.

Maaari aniyang makapag-sign up ang mga residente na may government-issued ID o barangay certificate.

Bibigyan ng QC LGU ang lahat ng residente sa lungsod ng QCitizen ID number at digital ID, ngunit ang mga residenteng may edad 15 taong gulang pataas ang bibigyan ng libreng physical ID card.

Maaaring ma-access ang digital version ng ID sa QCitizen App, na available sa Google Playstore at Apple App Store.

Inanunsiyo naman ni Mayor Joy Belmonte na sisimulan ang on-the-ground registration sa Barangay Central sa January 15.

“The registration will give importance to those who are on the priority list for the COVID-19 vaccine – senior citizens, PWDs, indigents, solo parents, and frontliners,” pahayag ni Belmonte.

Matatandaang lumagda na ang QC LGU ng tripartite agreement kasama ang National Task Force Against COVID-19 at AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines sa pagbili ng COVID-19 vaccines para sa mga residente sa lungsod.

Read more...