Anim pang bansa, kabilang na sa travel restriction ng Pilipinas vs bagong variant ng COVID-19

Photo grab from PCOO Facebook video

Kabilang na ang anim pang bansa sa ipinatutupad na travel restriction ng Pilipinas laban sa bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, base sa rekomendasyon ng Department of Health at Department of Foreign Affairs, kasama na ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil.

“In this regard, foreign passengers coming from or who have been to Portugal, India, Finland, Norway, Jordan and Brazil within 14 days immediately preceding arrival in the Philippines, shall be prohibited from entering the country effective January 8, 2021, 12:01AM, Manila time, until January 15, 2021.

Ang mga dayuhan o Filipino naman na nakapunta sa mga nasabing bansa 14 araw bago ang pagdating sa bansa sa January 8, 12:01 ng hatinggabi, ay papayagan pang makapasok ng bansa.

Gayunman, kailangang dumaan ang mga ito sa absolute facility-based 14-day quarantine period kahit negatibo sa RT-PCR test.

Nauna nang ipinatupad ang travel restriction sa mga sumusunod na bansa kung saan may na-detect na bagong variant ng COVID-19:
– United Kingdom
– United States
– Denmark
– Ireland
– Japan
– Australia
– Israel
– The Netherlands
– Hong Kong, SAR
– Switzerland
– France
– Germany
– Iceland
– Italy
– Lebanon
– Singapore
– Sweden
– South Korea
– South Africa
– Canada
– Spain

Read more...