Credit card ni Sen. Gatchalian, na-hack

Na-hack ang credit card ni Senator Sherwin Gatchalian.

Batay sa post sa Twitter, sinabi ng senador na mayroong nag-order ng P1 milyong halaga ng pagkain sa Food Panda gamit ang kaniyang credit card.

“May nag-order ng P1M worth of food sa Food Panda in less than an hour. Ano ‘yan lauriat para sa buong barangay???,” saad ng senador sa kaniyang tweet.

Ipinakita ng senador ang credit card transactions history kung saan makikita na apat na beses nag-order ang hacker sa Food Panda.

Isinagawa ang transaksyon mula 4:47 hanggang 5:49, Martes ng hapon (January 5).

“The hacker managed to change my registered phone number so he got the OTPs. He knew what he was doing. I just don’t know how he will eat a million worth of food,” ayon pa sa senador.

Read more...