BREAKING: Tatlong suspek sa pagkamatay ni Christine Dacera, ipinag-utos ng piskalya na palayain

Photo credit: @xtinedacera/Instagram

Ibinalik ng Makati City Prosecutors Office sa Makati Police ang inihain nitong reklamo laban sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ipinag-utos din ng piskalya ang pagpapalaya sa tatlong suspek na nakakulong dahil sa insidente.

Kabilang sa mga ito sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido at John Paul Halili.

Sa isang statement, sinabi ng Prosecutor General Benedicto Malcontento na matapos ang pag-aaral sa mga datos at ebidensya na isinumite, napagpasyahan ng Makati City Prosecutors Office na kailangan pang imbestigahang mabuti ang kaso.

“After a thorough evaluation of the facts and evidence presented during inquest proceedings, the Office of the City Prosecutor, Makati City resolved to refer the case for further investigation and to release the arrested persons from detention,” saad ni Prosecutor General Benedicto Malcontento.

Itinakda naman ang preliminary investigation sa January 13, araw ng Miyerkules.

Natagpuan ang walang malay na biktima sa bath tub ng isang silid sa hotel sa Makati City matapos ang sinasabing New Year’s Eve party kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ipinag-utos ng Makati City Prosecutors Office sa Makati Police ang pagpapalaya “for further investigation” sa tatlong suspek na nakakulong dahil sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Kabilang sa mga ito sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido at John Paul Halili.

Base sa tatlong pahinang resolusyon ng Makati Prosecutors Office na pirmado ni City Prosecutor Dindo Venturanza, nakasaad na hindi sapat ang ebidensya upang matukoy na nagkaroon ng sexual assault o panggagahasa sa biktima at kung sino ang responsable kung sakaling mayroon man.

Hindi pa rin, sabi ng piskalya, malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Itinakda naman ang preliminary investigation sa January 13, araw ng Miyerkules ganap na alas dyes ng umaga.

Natagpuan ang walang malay na biktima sa bath tub ng isang silid ng City Garden Hotel sa Makati City matapos ang sinasabing New Year’s Eve party kasama ang kanyang mga kaibigan.

Read more...