80% ng mga Pinoy, gusto ng simple at komportableng buhay

Simple Life
Kuha ni Dona Dominguez-Cargullo

Halos 80 percent ng mga Pinoy ang nais ng simple at komportableng uri ng pamumuhay.

Ito ang lumitaw sa survey na isinagawa ng National Economic Development Authority o NEDA.

Sa nasabing survey, lumitaw na mayorya ng mga Pinoy ang mas nais na magkaroon ng simple at komportableng buhay na mayroong stable na trabaho, sariling sasakyan at sariling bahay.

Ayon sa report ng NEDA na tinawag na “Ambisyon Natin 2040”, kabilang sa bahagi ng simple at comfortable life na nais ng mga Pinoy ay ang maidaos sa kolehiyo ang mga anak, matustusan ang araw-araw ng gastusin, magkaron ng negosyo, may oras para sa pamilya at kaibigan, at minsanang makapagbiyahe.

10,000 respondents ang lumahok sa nasabing survey ng NEDA na layong makabuo ng pag-aaral sa kung paano makakamit ang mga layunin sa susunod na 25 taon.

Sa nais namang trabaho, 47 percent ang nagsabing nais nilang magtrabaho sa sariling family-operated farm o business, 22 percent ang nais na maging self-employed nang binabayarang tauhan, habang 20 percent ang nais magtrabaho sa private establishment at 20 percent ang nais magtrabaho sa gobyerno.

Ang 16.9 percent naman ay nagsabing nais nilang magkaroong ng “affluent life” o maginhawang pamumuhay at 3.9 percent ang nagsabing nais nila ng “life of the rich” o buhay mayaman.

Excerpt: Mayorya ng mga Pinoy ang nais na magkaroon ng simple at komportableng buhay na mayroong stable na trabaho, sariling sasakyan at sariling bahay.

Read more...