MMDA, nakiramay sa naiwang pamilya ni chairman Danilo Lim

Photo credit: General Danny Lim/Facebook

Nagpaabot ng pakikiramay ang Metropolitan Manila Development Authority sa naiwang pamilya at mga mahal sa buhay ni Chairman Danilo Delapuz Lim.

Ayon sa ahensya, pumanaw si Lim bunsod ng cardiac arrest bandang 8:00, Miyerkules ng umaga (January 6, 2021), sa edad na 65.

Nagsilbi si Lim bilang Chairman ng MMDA sa ilalim ng Duterte administration mula May 2017.

Sinabi ng ahensya na pinangunahan ni Lim ang pagbuo ng mga solusyon upang matugunan ang mga problema sa trapiko sa Metro Manila.

Tinutukan din anila ni Lim ang pagpapatupad ng istriktong disiplina sa mga empleyado.

“Under his helm, Lim prioritized the welfare of the employees by ensuring they receive accident insurance and other appropriate benefits,” pahayag ng ahensya.

“He also envisioned the MMDA to be one of the most transparent government agencies that the public can trust,” dagdag pa nito.

Read more...