Pamahalaan, kailangan nang maghanda ng plano sa pagbili at pamamahagi ng COVID-19 vaccine

Kuha ni Erwin Aguilon

Hinikayat ni House Ways and Means committee chairman Joey Sarte Salceda ang pamahalaan magkaroon ng timeline at plano sa pagbili, pamamahagi at rollout ng totoong COVID-19 vaccine.

Kasunod ito ng mga napapaulat na pagkalat ng pekeng bakuna sa black market.

Sa ganitong paraan, maitutugma ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang plano sa ninanais mangyari ng national government pagdating sa roll out ng mga bakuna kontra COVID-19.

Para maiwasan ang kalituhan, kailangan aniyang linawin ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. kung ilang bakuna na ang nabili ng pamahalaan, kung anong uri ang available, kailan darating ang iba pang supply, at kung sino ang dapat unahin sa programang ito.

Sa pagsagot sa mga katanungan na ito ay malalabanan aniya ang black market at maiiwasan din ang pagkalito ng publiko.

Paliwanag ng mambabatas, matutulungan ang public at private sector na makapag-adjust kung mayroong malinaw na national starategy mula pagtukoy kung kailan at anong uri ng storage ang kailangan bilhin, anong mga pangangailangan ang dapat na matugunan ng pribadong sektor, at iba pang basic components sa vaccination process.

Read more...