BREAKING: Bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, lagpas 480,000 na

Mahigit 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (January 6), umabot na sa 480,737 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 22,690 o 4.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,047 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

81.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.5 porsyento ang asymptomatic; 0.52 porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 6.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 26 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,347 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 339 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 448,700 o 93.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...