Sunog sumiklab sa isang construction site sa Tondo, Maynila

(UPDATED) Sumiklab ang sunog sa isang construction site sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), apektado ng sunog ang construction site sa bahagi ng Juan Luna Moriones.

Sinabi ng BFP na itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 3:35 ng hapon.

Naging mabilis ang pag-apula ng mga bumbero sa sunog sa lugar.

Idineklarang fire out sa site dakong 4:04 ng hapon.

Patuloy pang inaalam kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...