40 pang kaso ng COVID-19, nadagdag sa Maynila

Karagdagang 40 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (January 6), sumampa na sa 25,113 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 317 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Malate na may 63 active cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 59 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, 32 naman ang itinuturing na probable cases sa lungsod at 347 ang suspected cases.

Umabot naman sa 24,043 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 753 pa rin ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...