Zamboanga Rep. Mannix Dalipe, 4 pang miyembro ng pamilya nagpositibo sa COVID-19

Naka-confine sa ospital si Zamboanga City Rep. Jose Manuel Dalipe dahil sa COVID-19

Apat pang miyembro ng pamilya ni Dalipe ang positibo sa Coronavirus.

Sa Facebook post, kinumpirma ng kongresista na siya, ang kanyang asawang si Keenah, dalawa nilang babaeng anak at ang kanyang amang si dating Mayor Manny Dalipe ay tinamaan lahat ng COVID-19.

Ayon kay Dalipe, inuubo siya at masakit ang lalamunan.

Binanggit rin nito na ang kanyang ama ay nasa intensive care unit ng ospital.

Humihingi ng dasal ang mambabatas para sa kanilang pamilya at para sa kalusugan at kaligtasan ng lahat.

Read more...