Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 86.84 milyon

Umabot na sa mahigit 86.84 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 86,847,172 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 21,579,641 cases.

Sumunod na rito ang India na may 10,375,478 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 7,812,007 naman ang kaso sa Brazil habang 3,284,384 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 2,774,479
– France – 2,680,239
– Turkey – 2,270,101
– Italy – 2,181,619
– Spain – 1,982,544
– Germany –  1,814,565
– Colombia – 1,702,966
– Argentina – 1,662,730
– Mexico – 1,466,490
– Poland – 1,330,543
– Iran – 1,255,620
– South Africa – 1,127,759
– Ukraine – 1,090,496
– Peru – 1,022,018

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,876,515 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 61,580,439 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...