Neric Acosta na nahatulang guilty sa kasong graft, humihirit na makalabas ng bansa

 

Mula sa inquirer.net/FB

Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan si Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager at kilalang adviser ni Pangulong Aquino na si Neric Acosta na makabyahe sa ibang bansa.

Ginawa ito ni Acosta dalawang araw lamang matapos siyang mahatulan ng 6 hanggang 10 taong pagkakakulong dahil sa kasong graft bunsod ng hinihinalang maling paggamit niya ng kaniyang pork barrel fund.

Nakasaad sa kaniyang mosyon na nais niyang humingi ng permiso na makalabas ng bansa patungo sa Bangkok, Thailand upang makadalo sa 1st World Congress of the International Academy of Medical Specialist, kung saan siya ay naimbitahang maging speaker.

Gaganapin ang nasabing conference na may temang “Environment and Health: Global Perspective to Green” mula April 7 hanggang 10.

Nakumbida si Acosta sa nasabing event bilang LLDA general manager, presidential adviser on environmental protection at isa sa mga dumalo sa Paris Climate Change Conference.

Read more...