Police cadet, isang pulis nagpositibo sa drug test

Pinasimulan na ni PNP Chief Debold Sinas ang pre-charge investigation at summary dismissal proceedings sa isang pulis at isang police cadet na nagpositibo sa drug test.

Ang dalawa ay sina Pat. Christian Laganzaon, nakatalaga sa Ligao City Police sa Albay at Cadet 1st Class John David Macagba.

Isa ring non-uniformed personnel, Giovanni Adulta, na nakatalaga sa Tabaco City Police Station, ang nagpositibo sa drug test.

Ipinag-utos ni Sinas ang drug testing sa lahat ng mga miyembro ng graduating class ng PNPA matapos gulpihin ng tatlong kadete ang isang kabaro noong bisperas ng bagong taon.

Ayon naman kay Police Brig. Gen. Steve Ludan, director ng PNP Academy sa Silang, Cavite, shabu ang tinira ni Macagba base sa resulta ng kanyang urine test.

Read more...