Sinabi ni AFP spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo na umakyat na sa 50 ang nagkasakit na kadete, sundalo at civilian employees, samantalang may apat na ang gumaling.
Pahiwatig nito, kung patuloy na madadagdagan ang kaso, maaaring magpatupad ng lockdown sa kampo.
<Base naman sa resulta ng isinagawang contact tracing, nakapasok sa PMA bubble ang COVID-19 dahil sa mga naghahatid ng mga pagkain ng mga kadete at sundalo.
Ang mga may sakit ay dinala na sa quarantine facility ng pamahalaang-lungsod at sinabi ni Sec. Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, magpapadala siya ng 2,000 RT-PCR test kits para sa mass testing sa PMA.