Civil Security Group, magbubukas ng isa pang satellite office sa SM Mall of Asia

Magbubukas ang Civil Security Group (CSG) ng isa pang Satellite Office (SATO) sa SM Mall of Asia sa bahagi ng Seaside Boulevard, Pasay City sa January 20, 2021 bandang 11:00 ng umaga.

Magsisilbi si PNP Chief Debold Sinas bilang Guest of Honor at Speaker.

Katuwang ang pamunuan ng SM Supermalls, maisasagawa rito ang aplikasyon para sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF), Firearm Registration at License To Exercise Security Profession (LESP).

Madaling ma-access ang lokasyon, may malawak na parking lot at kayang mag-accommodate ng maraming kliyente.

Ayon kay CSG Director Maj. Gen. Rolando Hinanay, ang pagbubukas ng CSG-SATO ay isa sa mga istratehiya ng pambansang pulisya kasabay ng pagsunod sa health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...