Magnitude 3 na lindol, naramdaman sa Davao Oriental

Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa 38 kilometers Southeast ng Governor Generoso.

Naramdaman ang pagyanig bandang 6:45 ng gabi.

50 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, wala namang napaulat na pinsala sa mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...