Mandaluyong LGU, naglaan ng P200-M pondo para sa bakuna vs COVID-19

Mandaluyong PIO photo

Naglaan ang pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ng P200 milyong pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Pinulong ni Mayor Menchie Abalos ang komite na itinalaga para pangasiwaan ang kukuning bakuna noong araw ng Lunes, January 4.

Layong nitong matiyak na may sapat na vaccine para sa lahat ng mamamayan sa lungsod.

“Pipilitin namin, sa abot ng aming makakaya at sa pakikipagtulungan ng bawat isa, na mabakunahan ang bawat Mandaleño,” pahayag ni Mayor Abalos.

Pinasisiguro rin ng alkalde sa COVID-19 cluster committee members na maging maayos ang sistema sa pagbabakuna

Read more...