3 magpipinsan, nalunod makaraang magselfie sa tabing-ilog sa Pangasinan

 

Mula sa Google Maps

Patay ang 3 sa limang magpipinsang nagpasyang mag-picnic at magkuhanan ng larawan sa tabing ilog sa Agno river sa lalawigan ng Pangasinan makaraang anurin ang mga ito ng malakas na agos ng tubig, Martes ng hapon.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina sina Kyla Bautista, Kenneth Bautista, at Karen San Jose.

Nakaligtas naman ang mga dalawa pang pinsan ng mga biktima.

Batay sa ulat, masayang nag-picnic ang magpipinsan sa gilid ng Agno River sa Bgy. Carungay sa bayan ng Bayambang, Pangasinan nang maganap ang trahedya.

Ayon sa isa sa mga nakaligtas na biktima, nagkuhanan pa sila ng mga ‘selfie pics’ ng kanyang mga pinsan at nang ma-upload ang mga larawan sa social media, nagpasya na ang mga itong maligo sa ilog.

Gayunman, agad silang tinangay ng malakas na agos ng tubig kaya’t dinala sa malalim na bahagi ng ilog ang mga biktima na siyang ikinasawi ng mga ito.

Read more...