San Francisco, Quezon nilindol

Naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa Quezon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng pagyanig sa layong 25 kilometers Northwest ng San Francisco bandang 1:49 ng hapon.

Isang kilometro lang ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na ito ay aftershock ng tumamang magnitude 5.2 na lindol sa nasabing probinsya noong December 25.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Read more...