Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 28,285 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (January 5).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,147 o katumbas ng apat na porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
26,370 o 93 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 768 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 139,870 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES