Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, pumalo na sa higit 11,500

May 49 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Martes ng umaga (January 5), umakyat na sa 11,502 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 620 o 5.39 porsyento ang aktibong kaso.

25 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 10,748 o 93.17 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 134 na ang mga residenteng nasawi o 1.17 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...