Ayon kay provincial environment and natural resources officer Andres Untal, isang mahabang hilera ng damuhan sa bandang itaas ng mga bahagi ng Mansalanao, Cabagnaan at Biak na Bato ng Mt. Kanlaon na nasa bayan ng La Castellana, Negros Occidental.
Pinangangambahan pa nila na umabot ang sunog na bunsod ng mga ibinugang materyal ng bulkan sa gubat na apat na kilometro lamang ang layo mula sa nagliyab na bahagi nito.
Ani Untal, magkatuwan na ang Departmeng of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Fire Protection (BFP), Mt. Kanlaon Natural Park Protected Area Superintendent at Negros Occidental Provincial Risk Reduction Management Division sa pag-buo ng grupo ng mga mag-aapula ng apoy sa bulkan.
Ayon naman sa pinuno ng Negros Occidental Provincial Disaster Management Program Division na si Zeaphard Gerhart Caelian, bumubuo na sila ng grupo na gagawa ng linyang haharang sa apoy para mapigilan ang pagkalat nito sa gubat.
Samantala, nananatili pa rin ang Alert Level 1 na itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) simula pa Nobyembre ng nakaraang taon matapos rin mag-alburuto ang Mt. Kanlaon.
Sa Alert Level 1, ipinagbabawal ang trekking lalo na sa loob ng 4-kilometer permanent danger zone dahil sa posibleng biglaang pagbuga nito ng abo.