23 pang Filipino abroad, nasawi dahil sa COVID-19

Nasa 37 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang January 4, nasa 12,929 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,605 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa tatlo naman ang bagong gumaling kung kaya 8,390 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

23 naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 934 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,681 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,781 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 782 naman ang kaso sa Americas at 2,685 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...