20 pang pulis, nagpositibo sa COVID-19

Aabot sa 20 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Lunes ng gabi (January 4), 9,111 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 344 ang aktibo pang kaso.

16 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 8,738 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang napaulit na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 28 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...