Aktibong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, lumagpas muli sa 100

Napaulat ang 20 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:40 Lunes ng hapon (January 4), 5,973 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 108 ang aktibong kaso.

Wala namang itinuturing na probable case habang 118 ang suspected cases kung saan 26,219 ang cleared na.

Nasa 27 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 5,690 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Samantala, 175 pa rin ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...