Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (January 4), umabot na sa 478,761 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 21,219 o 4.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 959 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
81.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.9 porsyento ang asymptomatic; 0.57 porsyento ang moderate; 3.4 porsyento ang severe habang 6.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa anim naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,263 o 1.93 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 26 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 448,279 o 93.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.