Imbestigasyon ng PNP-IAS sa kaso ni Nuezca, matatapos na ngayong linggo

Matatapos na ngayong linggo ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa kaso ni Police Master Sergeant Jonel Nuezca.

Si Nuezca ang responsable sa brutal na pagbaril na naging sanhi ng pagkamatay ng mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre.

Sa press briefing, sinabi ni PNP Chief General Debold Sinas na inaasahang makukumpleto ang imbestigasyon sa pagtatapos ng linggo.

Kapag natapos ang imbestigasyon ngayong linggo, magkakaroon na aniya ng resolusyon sa Lunes, January 11.

Ayon sa hepe ng PNP, si National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director Brig. Gen. Vicente Danao ang magbibigay ng pinal na desisyon kung susundin ang rekomendasyon ng IAS.

Nakatalaga si Nuezca sa Crime Laboratory ng ParaƱaque Police.

Sa ngayon, si Nuezca ay nasa ilalim ng kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Paniqui, Tarlac.

Read more...