LOOK: Replica ng Poong Itim na Nazareno, dumating na sa Manila City Hall

Photo credit: Mayor Isko Moreno/Facebook

Dumating na ang replica ng Poong Itim na Nazareno sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall, araw ng Lunes (January 4).

Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang larawan ng pagdating ng replica ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon sa alkalde, parte ito ng pagbisita ng Mahal na Poon sa iba’t ibang lugar habang papalapit ang Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Hindi kasi muna pinayagan ang pagdaraos ng tradisyunal na Traslacion bunsod ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Magkakaroon ng misa sa pagsalubong sa poon dakong 4:00, Lunes ng hapon.

Photo credit: Mayor Isko Moreno/Facebook
Read more...