Oil price hike, ipatutupad sa Martes (Jan. 5)

Nag-anunsiyo na ang ilang kumpanya ng langis na tataas ang presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Ayon sa Shell, Seaoil, Petrogazz at Cleanfuel, may taas na P0.45 sa bawat litro ng kanilang gasoline habang P0.30 naman ang dagdag sa bawat litro ng diesel.

Sa kerosene naman ng Shell at Seaoil, nasa P0.40 ang itataas.

Mauunang magpatupad ng oil price hike ang Shell, Seaoil at Petrogazz bandang 6:00, Martes ng umaga, January 5, 2021.

Magiging epektibo naman ang taas-presyo ng Cleanfuel dakong 4:01, Martes ng hapon.

Inaasahan namang maglalabas na rin ng abiso ang iba pang kumpanya ng langis ukol sa kanilang oil price adjustment.

Read more...