Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 1.85 milyon na

Pumalo na sa halos 1.85 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,850,719 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 360,078.

Sumunod na rito ang Brazil na may 196,018 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 149,686 naman ang death toll sa India habang 127,213 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Italy – 75,332
– United Kingdom – 75,024
– France – 65,037
– Russia – 58,506
– Iran – 55,540
– Spain – 50,837
– Colombia – 43,965
– Argentina – 43,482

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 85,509,038 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 60,476,700 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...