Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (January 3), umabot na sa 477,807 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 20,292 o 4.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 891 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
80.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.2 porsyento ang asymptomatic; 0.58 porsyento ang moderate; 3.6 porsyento ang severe habang 6.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa apat naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,257 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 8,316 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 448,258 o 93.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.